Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.
Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.
Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.[3]
[] Mga pulo
- Pulo ng Gobernador – kung saan makikita ang bahay ni Kuya (ng Pinoy Big Brother) na ginamit ng mga housemate ng Teen Edition
- Pulo ng Quezon – para sa mga naninirahan sa loob ng kampo at mga nagpipiknik[3]
- Pulo ng Children – kung saan matatagpuan ang mga bahay kubo[3]
- Pulo ng Romulo – kung saan naganap ang shooting ng Marina, teleserye ng ABS-CBN
- Pulo ng Cuenco (Pandi) – kung saan makikita ang isang malaking kuweba
[] Larawan
-
Ang bahay ni Kuya (ng Pinoy Big Brother) sa pulo ng Gobernador
Ang Hundred Islands National Park (Pambansang Parke Laksang Pulo) ay binubuo ng maliliit at magkakalapit na pulong sakop ng Lungsod Alaminos, Pangasinan, at naliligid ng sariwa't maalat na tubigan. Ang nasabing pambansang parke ay nasa Barangay Lucap, Lungsod Alaminos. Sumasakop ito sa 1,1884 ektarya, at binubuo ng 123 pulo. Tatlong pulo lamang ang pinaunlad para sa turista, at kabilang dito ang Governor's Island, Quezon Island, at Children's Island. Ang Governor's Island ay para sa pamilya, at may mga pinauupahang silid na may dalawang pinto. Samantala, ang Children's Island ay para sa mga nagtitipid na manlalakbay na ang mga silid ay may de-gaas na lampara. At ang Quezon Island naman ay para sa mahilig magpiknik at magkamping.
Biyahe
Habang binabaybay ang nasabing pook mulang Maynila ay masisilayan ang mga lungting bukirin, ang bughaw na dagat, at ang tahimik na kanayunan. Tinatayang aabot sa lima hanggang anim na oras ang biyahe mulang Maynila hanggang Alaminos, at aabot sa 250 kilometro ang layo. Kabilang sa mga bumibiyaheng bus mulang Maynila ang Victory Liner, Five Star, Philippine Rabbit.Pagtitipon
Napabilang ang Hundred Islands sa "Top 10 Beach Destinations" (Sampung Pinakamagandang Baybaying dapat Puntahan) na binuo ng Manila Bulletin Online noong Marso 2007.Ginanap din sa Lungsod Alaminos ang Tourism Summit noong 12 Disyembre 2008 sa Hundred Islands Pension House, Lucap Wharf. Layunin ng nasabing pagtitipon na bigkisin at tasahin ang planong turismo ng lungsod at paigtingin ang pagtutulungan ng kapuwa pribado at publikong sektor. Sa gayon, maitataguyod ang diwa ng "Bayanihan" mula sa dalawang pangkat.
Patuloy na lumalago ang Lungsod Alaminos sa pamamahala ni Alkalde Hernani A. Braganza na katuwang ang iba't ibang organisasyon at tao sa pagtataguyod ng Hundred Islands.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento